Court of Appeals ibinasura ang apela ni Senador Antonio Trillanes na ipatigil ang pagpapatuloy ng paglilitis sa kasong rebelyon laban dito

 

Maaari nang ipagpatuloy ng Makati RTC ang paglilitis sa kasong rebelyon laban kay Senador Antonio Trillanes IV.

Ito ay matapos ibasura ng Court of Appeals ang apela ni Trillanes na ipatigil ang paglilitis sa kaso na nag-ugat sa Manila Peninsula Siege noong 2007.

Sa apat na pahinang resolusyon ng CA Ninth Division na isinulat ni Justice Apolinario Bruselas Jr, hindi pinagbigyan ang hirit na TRO at injunction ng senador laban sa paglilitis ng Makati RTC Branch 150.

Ayon sa appellate court, hindi nito maaring pigilan ang prosekusyon ng kriminal na kaso ni Trillanes dahil sa matatalakay na nito ang merito ng kaso.

Kasabay nito, inatasan ng CA ang DOJ at Office of the Solicitor General  na maghain ng kanilang komento sa loob ng 10 araw at limang araw naman sa kampo ni Trillanes para magsumite ng reply.

Binuhay muli ang kasong rebelyon ni Trillanes matapos ideklara ni Pangulong Duterte na walang bisa simula ang amnestiya na iginawad sa senador ni dating Pangulong Aquino.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *