Bagong evacuation center sa Cateel, Davao Oriental, nakumpleto na ng DPWH
Natapos na ng DPWH ang konstruksyon ng bagong evacuation center sa Brgy. Tinimbo sa Cateel, Davao Oriental.
Nagkakahalaga ng halos 34 million pesos ang nasabing two-storey evacuation center.
Magsisilbi itong accommodation building, infirmary at office building sa panahon ng kalamidad sa Cateel.
Maglalagay din dito ng water tanks at iba pang equipment para sa kalamidad at mayroon ding prayer rooms, dining at kitchen area, breastfeeding rooms, at hiwalay na paliguan at palikuran para sa mga lalake, babae at PWDs.
Ang munisipalidad ng Cateel ay isa sa mga nasalanta ng bagyong Pablo noong 2012 kung saan napinsala rin ang evacuation center.
Ayon sa DPWH, highly vulnerable sa mga natural na kalamidad ang Pilipinas kaya ang pagkakaroon ng matatag at well-equippes na evacuation centers ang isa sa mga pangunahing concern ng kagawaran.
Ulat ni Moira Encina