Dalawang Flood control projects sa Cagayan de Oro city, sinimulan na ng DPWH

 

Sinimulan na ng DPWH Region 10 ang dalawang road drainage improvements sa Brgy Camaman-an at Barangay Lapasan sa Cagayan de Oro City na inaasahang makakatulong para mabawasan ang madalas na pagbaha sa lugar.

Isa na rito ay ang mahigit isang kilometrong bagong diversion drainage line sa Barangay Camaman-an na nagkakahalaga ng 91 million pesos.

Bukod dito ay inumpisahan na rin ng DPWH ang channel improvement ng Kolambog Creek mula Barangay Camaman-an hanggang Butuan-Cagayan de Oro-Iligan Road at Macajalar Bay outfall sa Barangay Lapasan.

Sa nasabing proyekto ay magtatayo ng open canal, 16-meter flat slab bridge, at 894-meter reinforced concrete box culvert na nagkakahalaga ng 86.9 million pesos.

Ayon kay Public Works and Highways Secretary Mark Villar, target ng DPWH na tapusin ang mga nasabing proyekto sa loob ng taong ito para mabawasan at maiwasan ang flash flood at matiyak ang kaligtasan ng mga residente at motorista sa Cagayan de Oro City.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *