2019 budget posibleng sa Agosto na mapapakinabangan ng publiko

Susubukan umano ng Kamara at Senado na muling ayusin ang gusot sa Pambansang budget.

Ito’y matapos bawiin ng Kamara ang mga libro ng budget kanina.

Ayon kay Sotto makikipagdayalogo sa Lunes ang  mga Senador na kinabibilangan nina Lacson, Honasan at Legarda sa kanilang counterpart sa Kamara.

Pero kung magmamatigas  ang mga kongresista wala silang magagawa kundi manindigan na huwag lagdaan ang budget hanggat hindi inaalis ang mga binuong detalye sa budget.

Kung hindi maayos ang gusot mas mabuting gumamit na lamang aniya ng re-enacted budget hanggang mabago ang komposisyon ng Kongreso sa Agosto.

Tinukoy ni Sotto ang 79 billion na budget ng DPWH na kasama sa naratipikahan ng dalawang kapulungan noong Pebrero.

Sa orihinal na budget, ang 79 billion ay bahagi ng major final output o halaga ng mga road projects na kasama sa mga inirekomenda ng DPWH bilang bahagi ng build build build program ng gobyerno.

Pero binago ng Kamara ang itemization kung saan tinanggal ang mga proyektong tinukoy ng DPWH at inilipat na sa distrito ng mga Kongresista dahilan kaya na red flag ito ng legislative budget research and monitoring office.

Kwestyon ni Sotto, bakit ginawa ito pagkatapos na maratify ang pondo gayong may mahabang pagkakataon noong nakaraang taon ang Kamara para baguhin ito.

 

Ulat ni Meanne Corvera

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *