Naarestong miyembro ng Abu Sayyaf group sa Sulu, sumalang sa inquest proceedings sa DOJ

Isinailalim sa inquest proceedings sa DOJ ang isang self -confessed na miyembro ng Abu Sayyaf Group na nahuli kamakailan sa  Banguingui, Sulu.

Si Karah Musa Salapuddin, 49 anyos, alyas Cesar ay iniharap ng mga tauhan ng ISAFP at CIDG sa DOJ kung saan ipinagharap ito ng patung-patong na reklamo dahil sa pagkakasangkot nito sa insidente sa Banguingui, Sulu.

Mga reklamong frustrated multiple murder, illegal possession of explosives at illegal possession of  firearms and ammunition ang isinampa ng ISAFP laban kay Salapuddin na mula sa Tungkil, Jolo, Sulu.

Itinakda naman ni Assistant State Prosecutor Ethel Rea Suril ang preliminary investigation sa kaso sa Marso 28.

Matatandaan na dalawang miyembro ng Philippine Marines ang nasugatan at nasa 500 residente ang napwersang lumikas sa isla ng Banguingui sa operasyon ng militar doon para sagipin ang dalawang Malaysian national na dinukot ng ASG.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *