Mahigit P1-B halaga ng shabu nadiskubre sa isang isang shipment sa Manila International Container Port
Tumambad sa mga tauhan ng Bureau of Customs ang bulto bulto ng shabu sa isang shipment sa Manila International Container port..
Pawang mga nakasilid sa chinese tea packaging ang mga shabu na dineklara na mga plastic resins o mga sangkap sa panggawa ng plastics na nakalagay pa sa sako.
Nadiskubre ng isang broker ang mga shabu sa isang apat napung pulgadang container na nakapangalan sa consignee na Wealth Lotus Empire Corporation.
Agad na nagtungo ang Phil. Drug Enforcement Agency sa MICP at kanilang nadiskubre na mga shabu nga ang nilalaman ng mga nasabing pakete.
Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, nakatanggap sila ng impormasyon na nagmula ang mga nasabing shabu sa Ho Chi Minh City sa Vietnam.
Patuloy anilang magtutulungan ang Bureau of Customs at PDEA upang mapigilan ang pagpasok sa mga bansa ng mga shabu.
“PDEA received information from our international counterparts from Vietnam that the container aboard a ship name Callao Bridge V145E from Ho Chi Minh City, Vietnam arrived in Manila. The said ship contained huge amounts of illegal drugs,”
“The Bureau of Customs and PDEA remain vigilant in order to intercept such kind of shipments,”
Idinagdag pa ni Aquino na dahil walang death penalty sa Pilipinas ay malakas ang loob ng mga dayuhan na magpuslit ng droga sa bansa.
Isinusulong ng ahensya ang pagbabalik ng parusang kamatayan sa kasong droga partikular sa drug trafficking, drug smuggling at drug manufacturing.
Sinabi naman ni Bureau of Customs Commisioner Rey Leonardo Guerrero na handa naman makipagtulungan ang ahensya sa PDEA upang mapigilan ang pagpasok ng mga kontrabando sa bansa tulad ng mga shabu na ipinadadaan pa sa mga shipments.
Irerevoked na din nila ang accreditation ng sangkot na consignee kung saan nakapangalan ang mga nasabat na shabu shipment.
“I have ordered all District Collectors to alert and examine all other similar items to ensure that our border is safe from the possible entry of illegal drugs.”
“The BOC will immediately revoke the customs accreditation of the involved consignee and customs broker, and appropriate charges will be filed against them,”
Sa kabuuan aabot na sa halos P3 bilyon ang halaga ng shabu na nasabat ng PDEA at ibang law enforcement agencies sa loob lamang ng isang linggo.
Ulat ni Earlo Bringas