Senado at Kamara wala pang nabuong kasunduan sa isyu ng budget
Bigo pa ang Kamara at Senado na makabuo ng malinaw na kasunduan sa isyu ng 3.7 trillion National Budget.
Ayon kay House Appropriations chairman Rolando Andaya, sa tatlong oras na dayalogo ipinaliwanag lang nila sa kanilang counterpart sa Senado ang isyu ng ginawa nilang pag-itemize sa kinukwestyong pondo ng DPWH na umaabot sa 75 Bilyong piso.
Paliwanag ni Andaya maganda naman daw ang atmosphere sa kanilang dayalogo at wala namang mainitang argumento.
Tumanggi muna si Andaya na magdetalye sa isyu dahil kailangan pang i relay ang kanilang napag-usapan kina House Speaker Gloria Arroyo at Senate President Vicente Sotto.
Bukas muling mag-uusap ang dalawang kampo pero positibo na maisusumite ang Budget sa Pangulo sa March 29.
Ulat ni Meanne Corvera