Mga utang ng gobyerno sa China at iba pang lending institutions, kayang bayaran ng Pilipinas – ayon sa mga Senador
Pinakakalma ng mga Senador ang publiko sa mga pangamba sa paggamit umano ng patrimonial assets ng Pilipinas sa uutangin sa China.
Sa harap ito ng mga pangamba sa 62 million dollar loan para sa Chico Irrigation project.
Ayon kay Senador Franklin Drilon, walang dapat ipangamba sa inutang ng Pilipinas sa China dahil sigurado namang mababayraan ito ng gobyerni na hindi na kailangang gumamit ng assets bilang collateral.
May umiiral kasi aniyang Presidential Decree 1177 kung saan inoobliga ang Department of Budget and Management (DBM) para sa automatic appropriations para sa mga utang ng bansa.
Paglilinaw ni Drilon, kahit pa hindi maglaan ang Kongreso ng pondo para sa debts ervices, mayroon pa ring pagkukunan ang gobyerno.
Nauna nang nagbabala si Supeme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na dahil sa loan agreement sa China ay hindi makabayad ang Pilipinas na posibleng maging dahilan para payagan na ang pagkuha ng gas deposits sa Reed Bank na sinasabing mayaman sa langis.
Pero ayon sa mga Senador, may nakapaloob na automatic appropriations sa pambansang budget.
Ito ang nagsisilbing proteksyon laban sa mga principal o interest payments.
Ulat ni Meanne Corvera