Pangulong Duterte inatasan ang SOLGEN at DOJ na repasuhin ang lahat mga mga kontratang pinasok ng gobyerno
Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Solicitor-General Jose Calida at Justice Secretary Menardo Guevarra na pag-aralan ang mga kontratang pinasok ng gobyerno mula pa sa mga nakalipas na administrasyon.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nais ng Pangulo na matiyak na hindi lugi ang pamahalaan sa mga pinasok na kontrata.
Ito ay may kaugnayan sa naipanalong kaso ng Maynilad sa Singapore High Court laban sa gobyerno ng Pilipinas sa panahon ng Ramos administration kung saan pinagbabayad ang gobyerno ng P3.42 billion pesos na compensation dahil sa delayed implementation ng upward tariff adjustment.
Sinabi ni Panelo bagamat nagpaso na ang period to appeal sa kaso ng Maynilad sa Singapore nais ng Pangulo na papanagutin ang mga opisyal ng gobyerno na pumasok sa depektibong kontrata.
Ayon kay Panelo gusto ng Pangulo na agad tanggalin ang mga probisyon ng kontrata na hindi makakabuti sa buhay ng mga Pilipino.
Inihayag ni Panelo may pangako ang Pangulo sa taumbayan na pro-protektahan ang mga mamamayan at ang buong Republika ng Pilipinas.
Ulat ni Vic Somintac
Please follow and like us: