Heat stroke, pinakamalalang Heat-Related disorder, ayon sa mga eksperto
Lalong pinag-iingat ng mga eksperto ang mga taong may heart failure laban sa heat stroke.
Ayon sa mga eksperto, ang heat stroke ang pinakamalalang heat-related disorder na maaaring dumapo kahit kanino.
Mahalagang laging hydrated ang pasyenteng may heart illness sa pamamagitan ng pag-inom ng 8 hanggang 12 basong tubig.
Hindi rin dapat na nagbibilad sa araw ang isang taong may sakit sa puso dahil mapanganib kapag siya ay dinapuan ng heat stroke.
Magiging sanhi ito ng komplikasyon tulad ng heart attack at stroke.
Payo ng mga eksperto, kapag may sakit sa puso, ngayong tag- init, mas dapat na bantayan ng isang taong may heart illness ang kanyang kundisyon.
Ulat ni Belle Surara