Malabon city mayor Antolin Oreta, binigyan ng ultimatum ni Pangulong Duterte

Mayor Antolin "Len-Len" Oreta (photo from malabon.gov.ph)

Binigyan ng ultimatum na isang buwan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Malabon City Mayor Antolin “Lenlen” Oreta para walisin ang operasyon at paggamit ng iligal na droga.

Babala ng pangulo, sakaling hindi ito magawa ni Oreta ipaaresto niya ang alkalde.

Si Oreta ay tumatakbo sa kaniyang ikatlong termino bilang alkalde sa Malabon sa ilalim ng partido ng oposisyon na Liberal Party.

Ayon sa Pangulo, matindi pa rin ang operasyon ng droga sa Malabon pero wala raw ginawa ang alkalde laban dito.

Sa kaniyang talumpati sa campaign sortie ng kaniyang partidong PDP-Laban sa Malabon, sinabi ng Pangulo na matindi pa rin ang mga problema sa Malabon.

Bukod sa problema sa droga, bigo aniya ang Malabon na maresolba ang kaso ng ng peace and order at isyu ng korapsyon.

Binalaan din ng Pangulo ang mga pulis at sundalo na maging neutral at hindi dapat magpagamit sa mga pulitiko.

Ibinunyag naman ng Pangulo na dahil sa kaniyang giyera kontra droga may mga nagtatangka na rin sa kanyang buhay.

Bago pa magtalumpati ang Pangulo sa Malabon, ininspeksyon pa nito ang salamin sa kanyang harapan at sinabing hindi nya na ito kontrolado at nasa kamay na aniya ito ng Presidential Security group.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *