Dalawang indibidwal inaresto ng NBI sa Makati city dahil sa Estafa
Timbog ng NBI Anti-Organized and Transnational Crime Division sa isang entrapment operation ang dalawang indibidwal dahil sa estafa.
Kinilala ang mga inaresto na sina Edgardo Lacson at Abegail Lacson.
Ang operasyon ay nag-ugat sa reklamo na inihain ng biktima laban kay Edgardo Lacson.
Ayon sa biktima, si Lacson ay ang kanyang Team Leader sa Hydrocarbon Management, Shell Company sa Makati City.
Nagpakilala anya ito bilang otorisado na magsolicit ng investment mula sa publiko na kikita ng 9 hanggang 15 monthly interest.
Nag-invest ang biktima ng kalahating milyong piso noong November 2016 kung saan pinangakuan siya na kikita ito ng 10 porsyento para sa unang anim na buwan at siyam na porsyento sa huling anim na buwan.
Kabuuang 14.66 million pesos ang ininvest ng biktima na mayroong unpaid payout na 8.16 million pesos.
Nagduda na ang biktima noong 2018 nang mapansin niyang nahihirapan na si Lacson na ibigay ang kita niya sa investment.
Nang beripikahin niya sa Securities and Exchange Commission ay nalaman niyang hindi otorisado ang suspek sa pagsolicit ng mga investment.
Ikinasa ng NBI ang entrapment operation sa Greenbelt ,Makati noong April 2 kung kailan na makipagkita ang suspek sa biktima para kunin ang karagdagang 600 thousand pesos na investment.
Ulat ni Moira Encina