Neglected Tropical diseases o NTD’s lalo pang dadami kung hindi agad sosolusyunan- DOH
Anim mula sa 17 neglected Tropical Diseases o NTD’s ang nananatiling laganap sa bansa.
Kabilang dito ang Filariasis, Schistosomiasis, Helminthiasis, Leprosy rabies at Food and Water borne diseases.
Kaugnay nito, nagsagawa ng pagsasanay tungkol sa Integrated Orientation on Neglected Tropical Diseases and Water Sanitation and Hygiene o NTD-wash sa ilang sanitary inspectors sa nasabing rehiyon.
Sa pag aaral ng World Health Organization (WHO) noong 2011, nasa 2.8% ang global burden ng Pilipinas pagdating sa NTD.
Dr. Eduardo Janairo:
“May mga vector ibig sabihin ng vector kamukha ng lamok, kamukha ng aso ung mga vector kung saan galing ung mga sakit nating iyan ay kinokontrol natin, kasama ang tubig dun…kaya nga meron kaming training sa tinatawag ng paglilinis ng tubig at pagaayos ng pag inom tubig…dahil iyan ang vector ng mga mikrobyo na kadalasan sa summer makikita”
Layon ng naturang pagsasanay na maalis o kung hindi man ay mabawasan ang laganap na pagkalat ng Soil Transmitted Helminthiasis pagsapit ng taong 2022.
Pagbibigay diin ni Janairo, kapag ang mga nabanggit na NTD’s ay hindi maayos na natugunan, patuloy na tataas ang bilang ng mga pasyenteng maaaring dapuan nito.
Ulat ni Belle Surara