ICC, sinimulan nang dinggin ang Crimes against Humanity na isinampa ng NUPL laban kay Pangulong Duterte
Sinimulan nang dinggin ng International Criminal Court (ICC) ang reklamong Crimes against Humanity ng grupong National Union of People’s Lawyers (NUPL) laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa sulat na natanggap ng NUPL , sinabi ng ICC na itinakda na ang Preliminary examination ng Office of Prosecutor.
August 28 noong nakaraang taon nang magsampa ng kaso ang NUPL bilang kinatawan ng pamilya ng walong biktima ng giyera kontra droga ng administrasyon.
Sa 50-pahinang reklamo ng NUPL sa ICC, iginiit nito na kagagawan umano ng administrasyon ang libo-libong biktima umano ng extra-judicial killings.
Nauna nang igiiit ng Pangulo na walang hurisdiskyon sa kanya ang ICC at ang Rome Statute ay hindi maaaring ipatupad sa Pilipinas.
Ulat ni Meanne Corvera