Suporta at tulong ng Asean countries, dapat nang hingin ng Pilipinas laban sa patuloy na panggigipit ng China sa West Phil. Sea
Dapat humingi na ng tulong at suporta ang Pilipinas sa Asean countries sa harap ng patuloy na pananatili ng mga barko ng Tsina sa West Philippine Sea at panggigipit ng mga Chinese coastguard sa mga mangingisdang Pinoy sa Pag-Asa island.
Sa panayam ng Radyo Agila, sinabi ni Political Analyst Prof. Clarita Carlos, hindi kaya ng Pilipinas labanan ang China kaya mahalaga ang suportang magmumula lalu na sa Asean partners ng Pilipinas.
Wala ring karapatang kunin ng China ang Pag-Asa island batay na rin sa ipinahayag ng Arbitral Tribunal na walang basehan ang 9-dash-line na inaangkin ng China.
“Sobra na talaga yang China na yan eh, di ba bully ang tawag dyan. Sinabi na nga ng Arbitral Tribunal na walang basehan yung kanikang 9-dash line. Peor hindi naman natin sinasabing gigiyerahin natin ang China dahil wala naman tayong laban sa kanila kaya dapat tumukod tayo sa ating allies sa US, Australia, Great Britain, Japan at South Korea dahil sila ang may mga lakas na bumunggo sa bansa na ito”. – Prof. Clarita Carlos