300,000 pulis, itinalaga sa mga tourist spots sa Misamis Oriental ngayong bakasyon
Aabot sa 300,000 police personnel ang nakatalagang magbantay at magbigay seguridad sa mga turistang nagtutungo sa Misamis Oriental.
Ayon kay Senior Supt. Rolando Destura, Provincial Police Director, nag-triple pa ang bilang ng mga turistang dumarayo sa kanilang probinsiya ngayong bakasyon.
Partikular na itinalaga ang mga pulis sa boundary ng Cagayan de Oro City hanggang sa makarating sa Gingoog city sa Silangang bahagi ng probinsiya.
May mga nakatalaga aniyang police assistance booth sa mahigit 100 beach resorts at iba pang tourist destinations sa Misamis Oriental batay na rin ito sa direktiba ng PNP-Region 10.
Tiniyak naman ni Destura sa mga turistang magtutungo pa sa kanilang lalawigan na ligtas at payapa ang kanilang lugar laban sa mga nais maghasik ng kaguluhan.
“Mayroon tayong 107 beach resorts and other tourist destinations. Binigyan kami ng instruction ng Regional Director na si General Timoteo Paclib na ito ay protektahan at lagyan ng mga Police assistance booth upang umasiste sa mga bisita at lahat ng mga dumadaan sa ating lalawigan”.- Senior Supt. Rolando Destura, Provincial Police Director