Kalawakan o outer space, ginagamit na ng mga makapangyarihang bansa bilang kanilang military asset- ayon sa isang Phycisist
Ginagamit na bilang pang-depensa ng isang bansa ang outer space o kalawakan.
Ito ang reyalidad na nangyayari ngayon sa mga makapangyarihang bansa sa mundo.
Ayon kay Dr. Romar Sese, isang Physicist, nangyayari na ang tinatawag na “militarization of space” kung saan nakadepende na sa satellite technology ang military asset, imaging o communication ng isang bansa.
Sa sandali aniyang mawala ang asset sa satellite ay malaki ang pinsalang idudulot nito sa military capability ng isang bansa.
Ginagawa na aniya ito ng ilang malalaking bansa gaya ng India, Russia, China at Estados Unidos.
“Ang realidad kasi ng Space ngayon ginagamit na ito for defense at karamihan ng bansa na nagpupunta sa Space development ay ito yung main purpose nila para mabigyan ng sapat na kakayahan, serbisyo at capability ang kanilang military sector”.
Kamakailan ay pinasabog ng India ang sarili nilang military satellite sa kauna-unahang pagkakataon upang ipakita sa buong mundo na nagtataglay sila ng advanced space powers.
Tinawag naman ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ang pagpapasabog ng India na isang “terrible thing” na nagdulot ng panganib sa iba pang mga satellite stations dahil sa mga bumagsak na debris.
Bukod sa india, 2007 nagpasabog din ang China ng kanilang satellite kung saan nag-iwan ito ng maraming kalat sa kalawakan.
“Tuwing nagpapasabog ng satellite, mula sa isang buong bagay, nagkakaroonitong mga debris at nagkakapira-piraso so dumarami yung kalat aty itong mga kalat na ito ay hindi agad bumababa sa ating mundo, depende kung gaano kataas ito minsan taon o dekada ang inaantay. So pagt tumama ito sa ibang satellite, magtutuluy-tuloy yung damage nito hanggang sa dumating sa punto na marami nang kalat at malagay sa panganib ang maraming satellite”.