Implementasyon ng Motorcycle Crime Prevention Act, hindi maaaring suspendihin ng Pangulo
Hindi maaring suspindihin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang implementasyon ng inaprubahang batas na nag-oobliga sa mga motorsiklo para sa paglalagay ng mas malaki at color coded na plaka.
Ayon kay Senador Richard Gordon, isa sa mga proponents ng batas, ang maaari lamang gawin ay amyendahan ang Motorcycle Crime Prevention Act.
Pero iginiit ni Gordon na may ugnayan na sila ng Land Transportation Office (LTO) para sa implementasyon at tamang sukat ng plaka.
Nanindigan si Gordon na kailangang ipatupad ang batas at patawan ng mas mabigat na parusa ang mga hindi susunod sa batas para madaling matukoy ang mga riding in tandem o, mga nagnanakaw ng motorsiklo at iba pang nadadawit sa krimen gamit ang mga motorsiklo.
Ulat ni Meanne Corvera