Pagngiti, may idudulot na benepisyong pangkalusugan – ayon sa mga pag-aaral
“Share your smile with the world, it’s a symbol of friendship and peace”, “Peace begins with a smile”, “Smile…it is a free therapy”, “A smile is the universal welcome”
Ilan lamang ang mga nabanggit na mga kasabihan patungkol sa pagngiti.
Sa marami nang pag aaral, napatunayan ng mga mananaliksik na may benepisyong pangkalusugan na idudulot ang pagngiti.
Kabilang dito ang pagiging kalmante ng mood, nakapagpapababa ng blood pressure, nakaka relieve ng stress, at nakapagpapalakas ng immune system.
Sinasabi din sa mga pag aaral na ang pagngiti ay may malaking kinalaman sa ikapagiging produktibo ng isang manggagawa.
Kaya naman, payo ng mga eksperto, ngumiti tayo sa halip na sumimangot.
Ulat ni Belle Surara