Bureau of Immigration iniimbestigahan na ang sinasabing pagkakasangkot ng ilang tauhan nito sa Human Trafficking
Iniimbestigahan na ng Bureau of Immigration ang ulat na sinasabing sangkot sa human trafficking ang ilan sa mga tauhan nito sa Port Operations Divisions.
Sinabi ni Immigration Commissioner Jaime Morente na iaakyat nila sa DOJ ang isyu para sa kaukulang imbestigasyon.
May hinala si Morente na maaring sangkot ang iba pang ahensya sa reklamo dahil ang anti-trafficking campaign ay responsibilidad ng lahat ng miyembro ng Inter-Agency Council Against Trafficking.
Tiniyak ng opisyal na tuluy-tuloy ang paglaban ng BI sa human trafficking lalo nat maganda ang standing at ranking ng Pilipinas sa kampanya nito laban sa trafficking sa tatlong magkakasunod na taon.
Kaugnay nito, nanawagan ang BI chief sa Kongreso na agad nang ipasa ang Bureau of Immigration bill kung saan mabibigyan ng kapangyarihan ang kawanihan na disiplinahin ang mga tiwaling tauhan nito sa halip na idaan pa ito sa DOJ.
BI Commissioner Jaime Morente:
“This is one of the reasons why we are requesting the urgent passage of the Bureau of Immigration bill during the next congress. Currently, our Board of Discipline may only recommend action to the DOJ. It is the DOJ who has the power to hire and fire employees. We believe that the control over administrative matters should be delegated to the BI, for us to be able to enforce immediate sanctions.”
Ulat ni Moira Encina