DOE, pinagpapaliwanag ng Senado sa nangyayaring power outages
Pinagpapaliwanag ni Senador Sherwin Gatchalian ang Department of Energy (DOE) ang pagdedeklara ng yellow at red alert sa suplay ng kuryente dahilan kaya nagkaroon ng rotational brownout.
Kinukwestyon ni Gatchalian ang sunud-sunod na breakdown at maintenance shutdown ng mga power plants na dahilan ng pagdedeklara ng red at yellow alert.
Bakit aniya nagkaroon ng power outages gayong ginarantiya ng DOE na hindi magkakaroon ng pagbabawas ng kuryente dahil may sapat na suplay ngayong summer at kahit nay nararanasang El Niño.
Nais rin na busisiin ni Gatchalian kung namomonitor ng DOE ang mga power plant at aalamin kung ano ang tunay na dahilan ng malaking pagbabawas ng suplay ng kuryente na umabot halos sa 1,300 megawatts.
Hindi naman makapagbigay ng komento ang Senador kung may sabwatan na nagaganap sa biglaang pagbawas ng supply ng koryente na magiging sanhi ng rotational brown out at posibleng pagtataas ng singil ng kuryente.
Aniya nais muna nitong malamn mula sa report ng DOE kung may sapat ba talagang dahilan kung bakit naideklara ang red at yellow alert sa suplay ng kuryente.
Ulat ni Meanne Corvera