Speaker Arroyo, ipinagmalaki ang gender equality efforts ng Pilipinas
Ipinagmalaki ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang mga napagtagumpayan ng Pilipinas para magkaroon ng pantay na karapatan lalo na sa papel ng mga kababaihan sa lipunan.
Sa kanyang talumpati sa Global Parliamentary Conference na ginanap sa World Bank Headquarters sa Washington, D.C, tinukoy ni Arroyo ang simula ng pagkilala sa kakayahan ng mga babae mula sa pagiging pangulo ni Corazon Aquino noong 1986.
Taong 2006 ay iniluklok ng World Economic Forum Report ang Pilipinas sa ikaanim na puwesto sa mga bansang naibaba ang gender gap.
Nakatulong rin umano ang pagsasabatas sa Magna Carta of Women noong pangulo pa siya ng bansa taong 2009 na bahagi ng basic legal platforms para sa women empowerment.
Pero sa kabila nito ay marami pa aniyang kailangang gawin ang gobyerno para protektahan ang karapatan ng kababaihan sa tulong ng mga mambabatas upang maiangat ang kanilang tungkulin.
Ulat ni Madz Moratillo