Luzon Grid muling isinailalim sa Red alert

Muling isinailalim sa red at yellow alert ang Luzon grid ngayong  araw.

Sa abiso ng Department of Energy (DOE), ang yellow alert ay nagsimula kaninang alas-9:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon at 6:01 hanggang 8:00 pm.

Ang red alert ay mararanasan naman mula ala-1:00 hanggang alas-4:00 ng hapon.

Bunsod pa rin ito ng mataas na demand habang kulang ang suplay ng kuryente.

Ayon sa  National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), ang Luzon grid ay may capacity lang 10,669 megawatts habang umakyat na sa 10,619 megawatts ang peak demand.

Pinayuhan na ng DOE ang publiko na magtipid sa paggamit ng kuryente.

Ulat ni Meanne Corvera


Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *