Senado walang balak na buksan ang imbestigasyon sa drug case ni Paolo Duterte
Walang balak ang Chairman ng Senate Blue Ribbon committee na si Senador Richard Gordon na buksan ang imbestigasyon sa alegasyon ng drug smuggling na kinasasangkutan umano ni dating Davao Vice Mayor Paolo Duterte.
Katwiran ni Gordon pawang paratang lamang ang ginagawa ng mga naglabas ng video na nag aakusa laban kay Duterte at dating Presidential Economic Adviser Michael Yang at walang suportang ebidensya.
Kikilos lamang aniya ang Blue Ribbon Committee kung magsusumite ng sworn statement at ebidensya sa Senado ang mga nag-aakusa kina Duterte at Yang.
Iginiit ni Gordon na magpapatawag lang sila ng panibagong pagdinig kung haharap si Police Senior Supt. Eduardo Acierto at alyas Bikoy at magsusumite ng kaniyamg sinumpaang salaysay.
Hindi raw pwedeng basta na lamang itatago ang mukha ng isang nag aakusa at gagawa ang video na kakagatin naman ng Senado.
Iginiit ni Gordon na maaring magamit lang ang Senado lalo na ngayong panahon ng kampanya.
Ulat ni Meanne Corvera