Mga Pinoy sa Tripoli, Libya na apektado ng karahasan, inumpisahan nang ilikas ng DFA
Sinimulan nang ilikas ng Department of Foreign Affairs o DFA ang mga Pinoy sa Tripoli, Libya na apektado ng karahsanan doon. Ayon kay Charge de Affaires Elmer Cato, ang unang batch ng mga inilikas na pinoy ay kinabibilangan ng tatlong hospital worker at apat na estudyante. “They were evacuated by the Philippine embassy this morning to Tunisia where they will be repatriated to the Philippines,” Kasama na aniya rito si Rolando Torres , ang pinoy na nasugatan sa rocket attack sa Tripoli sa Libya noong nakaraang araw. Personal aniyang na pinuntahan ng mga kinatawan ng embahada si Rolando Torres sa kanyang bahay Tripoli at hiniling nito na agad makauwi sa Pilipinas. Nasaksihan kasi aniya ni Torres ang nangyaring pag-atake at pagpapaulan ng bomba sa tripoli. “This morning Philippine Libya officials came to get our kababayan who narrowly survived the barrage of rockets that struck tripoli last night. Rolando Torres had witnessed previous fighting in Libya but he said last night was different.” Ayon kay Cato, si Torres ay nagtatrabaho sa Tripoli mula pa noong 2006 at nasaksihan nito ang mga nangyaring karahasan sa Libya pero mas matindi aniya ang naransan nito noong nakaraang gabi . Bukod sa naturang mga OFW’s, labintatlo pang pang Filipino ang nakatakdang ilikas patungong Tunisia sa mga susunod na araw. Sasagutin aniya ng isang Islamic school sa Tripoli ang gastusin sa repatriation ng apat na estudyante, habang ang Overseas Workers Welfare Administration naman ang magbabayad ng airfare ng tatlong manggagawa mula sa Ali Omar Ashkar hospital, na nasa labas ng Tripoli. Sa tinatayang 1,000 Pinoy sa Tripoli, 20 pa lang ang nagpahayag ng kagustuhan na makaalis sa naturang bansa mula nang itaas ng pamahalaan ng Pilipinas sa alert level 3 ang sitwasyon sa Libya dahil sa nangyayaring civil war. Muling umapila ang mga opisyal ng DFA sa mga Pinoy sa Tripoli na na lumikas na. Pero inamin ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr. na hindi sila magsasagawa ng force evacuation at igagalang nila ang desisyon ng mga mangagawang Pinoy. “We appeal and that is all, no forcible evacuation because it cannot be done physically”. Noong nakaraang linggo nagdeklara ang DFA ng alert level 3 sa Tripoli at adjacent districts. Sa ilalim ng alert level 3 pinapayuhan ang mga Pinoy na nagta trabaho doon para sa voluntary repatriation sa Libya. Ulat ni Meanne Corvera |
Please follow and like us: