Mga magsasaka, hinimok na sumailalim sa training para ibsan ang epekto ng El Niño
Hinikayat ni Senador Cynthia Villar, Chairman ng Senate Committee on Agriculture ang mga magsasaka na sumailalim sa training kaugnay ng epekto ng El Niño at Climate Change.
Kasunod ito ng report ng Department of Agriculture na umabot na sa 5.7 billion ang pinsala sa palay at mais dulot ng matinding tag-init.
Ayon kay Villar kung may sapat na kaalaman ang mga magsasaka at may sapat na training sa climate change maaari silang makapagtanim na aakma sa panahon.
Paala ni Villar ang training sa mga Agricultural Training Institute at Farm schools nationwide ay libre at sasagutin ng gobyerno ang anumang gastusin para dito.
Iginiit ng Senador na mahalaga ang critical interventions para tulungan ang mga magsasaka sa epekto ng global dillema.
Ulat ni Meanne Corvera