Bahagi ng luzon, niyanig ng magnitude 5.7 na lindol
Niyanig ng magnitude 5.7 na lindol ang Zambales kaninang alas singko onse ng hapon.
Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol na natukoy dalawang kilometro sa northeast ng Castillejos sa Zambales..
Pero ayon sa United States Geological Survey ang lindol ay umabot sa 6.3 magnitude na tumagal ng 30 seconds.
Naitala naman ang intensity 5 sa Malolos AT Obando, Bulacan; Quezon City; Lipa, Batangas; Manila City; Abucay, Bataan; Valenzuela City; Magalang, Pampanga
INTENSITY IV sa Pasig City; Makati City; Caloocan City; Meycauayan and San Jose Del Monte, Bulacan; Floridablanca, Pampanga; Villasis, Pangasinan; Tagaytay City; Villasis, Pangasinan; Baguio City; Marikina City; Las Pinas City
INTENSITY III – Dasmarinas, Indang, Gen. Trias, Cavite; Lucban, Quezon; Muntinlupa City, Cabanatuan City; Palayan City; Gapan City; Santo Domingo and Talavera, Nueva Ecija at Intensity II – Baler, Aurora
Dahil sa lakas ng pagyanig, ilang bahay na sa Olongapo ang nakitaan ng bitak.
Bumagsak din ang isang arkong ito sa Pampanga sa lakas ng lindol.
Sa senado, maagang pinauwi ang mga empleado dahil sa lakas ng pagyanig.
Isa ang gusali ng senado sa itinuturing na critical area at prone sa tsunami kapag may lindol dahil malapit ito sa Manila bay.
Sa ngayon pinulong na ni Senate Secretary General Retired General Jose Balajadia ang mga security ng senado
Nagpatupad na rin ang OSAA ng lackdown sa senado at wala nang pinapapasok sa gusali
Nakatakdang magsagawa bukas ng inspeksyon ang osaa sa lawak ng pinsala sa gusali.
Sa ngayon inaalam ng ng NDRRMC kung may casualties at ang lawak ng pinsala ng lindol
Nagbabala naman ang Phivolcs sa posibleng aftershocks
Ulat ni Meanne Corvera