Mahigit sa 20, 000 mga Filipino, namamatay dahil sa Tuberculosis – DOH
Mahigit sa 20, 000 mga filipino taon-taon ang namamatay sa Tuberculosis sa loob ng 60 minuto o kada araw.
Ito ay ayon kay Health secretary Francisco Duque III.
Batay naman sa datos ng World Health Organization (WHO) , pangatlo ang Pilipinas sa may pinakamataas na kaso ng tuberculosis kaya naman kailangang magtulong tulong sa pagsugpo nito .
Sinabi ni Duque na nakatuon ang bansa na mapagaling ang may 2.5 milyong kaso ng TB sa taong 2022.
Pagsapit ng taong nabanggit, inaasahan nilang bababa ang insidente ng TB ng hanggang 23%.
Dagdag pa niya, marami ang apektado ng TB sa “big three”, ang tinutukoy ay ang National Capital Region (NCR), Central Luzon at Calabarzon.
Samantala, binibigyang diin ni Duque na ang TB ay maaaring mapigilan at nagagamot.
Ulat ni Belle Surara