Malakanyang, nababagalan sa pagtugon ng Canada sa pagbabalik ng kanilang basura na itinambak sa Pilipinas
Hindi kuntento ang Malakanyang sa pagtugon ng Canada sa pagkuha ng kanilang basura na itinambak sa Pilipinas noon pang 2013.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo bagamat sinabi ni Canadian Ambassador to Manila John Holmes na handa nilang kunin pabalik sa kanilang bansa ang itinapong basura sa Pilipinas walang katiyakan kung kailan.
Ayon kay Panelo, seryoso ang banta ng Pangulo na ibabalik niya ang basura sa Canada sa lalong madaling panahon.
Inihayag ni Panelo na kapag hindi inasikaso ng Canada ang pagpapabalik sa kanilang basura ay posibleng maapektuhan ang Diplomatic relations ng Pilipinas at Canada na tumagal na ng 70 taon.
Ulat ni Vic Somintac