Agriculture Sec. Manny Piñol, kakasuhan ng Senado kapag hindi sinunod ang probisyon ng Rice Tariffication Law
Nagbanta si Senador Cynthia Villar na kakasuhan si Agriculture Secretary Manny Piñol kapag hindi ipinatupad ang probisyon ng Rice Tariffication Law.
Sa harap ito hirit ni Piñol na ipursige ang pamamahagi ng mga hybrid seeds sa mga magsasaka.
Iginiit ni Villar na sa ilalim ng batas dapat turuan na ang mga magsasaka na mag-produce ng kanilang inbred seeds para hindi na sila kinakailangang bumili pa sa merkado.
Sabi ng Senador may bilyun-bilyong pisong pondo ang Department of Agriculture (DA) para sa Hybrid seeds pero papatayin naman nito ang industriya ng pagsasaka kapalit ng umano’y kita ng mga opisyal ng mga ahensyang nagpapatupad nito.
Iginiit ng Senador na sa bagong batas aabot sa 50% ang itataas ng ani ng bawat magsasaka at kaya na nitong tapatan ang ibang bansa gaya ng Vietnam at Thailand kung saan umaangkat ang Pilipinas.
Ulat ni Meanne Corvera