Tubig sa Angat dam malapit nang bumaba sa critical level pero suplay ng tubig sa Metro Manila hindi pa apektado
Umabot na sa minimum operating level ang water elevation ng Angat dam dahil sa epekto ng El Niño.
Ayon kay Dr. Sevillo David Jr., director ng National Water Resources Board (NWRB), hanggang kaninang umaga nasa 180.73 meters ang level ng tubig.
Bukas hanggang Sabado inaasahang bababa pa ito sa 173.13 meters o critical level o ang pinaka mababang water elevation ngayong taon.
Sa Angat Dam kinukuha ng Manila Water at Maynilad ang 96% ng suplay ng tubig sa Metro Manila.
Pero pagtiyak ng NWRB hindi naman babawasan ang isinusuplay na tubig sa Metro Manila.
Sa halip batay sa Angat operating rule, kapag umabot na sa below 180 meters ang tubig, babawasan ng 10 cubic meter per seconds ang tubig para sa irrigation ng mga magsasaka.
Ulat ni Meanne Corvera