3,000 pulis, ipapakalat sa NCR para sa mga magsasagawa ng kilos protesta sa Labor day
Kabuuang 3,000 mga pulis ang itinalaga ng National Capital Regional Police office (NCRPO) para magbigay seguridad sa mga magsasagawa ng kilos protesta bukas, May 1.
Pero binigyang-diin ni PNP Spokesperson Police Col. Bernard Banac na iginagalang nila ang karapatan ng sektor ng mga mangagawa na nais magasagawa ng mga rally.
Ipatutupad aniya ang no permit, no rally para sa kaayusan ng mga magproprotesta at ang hindi aniya susunod dito ay ipatutupad nila ang maximum tolerance.
“May batas pa ring umiiral para sa No Permit, No Rally, subalit ang hindi susunod dito ay ipapatupad natin ang Maximum tolerance”. Hangga’t maaari ay papakiusapan natin sila na maging maayos ang isasagawa nilang kilos protesta”.- Police Col. Bernard Banac, PNP Spokesperson