10 Korporasyon kinasuhan ng BIR ng tax evasion sa DOJ dahil sa mahigit 400 milyong pisong hindi binayarang buwis
Ipinagharap ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng reklamong Tax evasion sa Department of Justice (DOJ) ang 10 korporasyon at negosyante mula sa Quezon City, Pasig City at Rizal dahil sa bigong mabayarang buwis na umaabot sa 414 million pesos mula 2007 hanggang 2013.
Reklamong Paglabag sa Section 255 ng National Internal Revenue Code o Willful Failure to Pay Taxes ang isinampa ng BIR laban sa mga respondents.
Ang mga kinasuhan ay ang:
-Tri-Color Marketing Corporation
-A.R Reynoso Arch Inter-Design Corporation
-Primebuilders Trading Incorporated
-Almotech Enterprises
– G&G International Unlimited
-Local Apparels Ventures Stores
– MCMP Construction
-GFX Creative Imaging
-Belgem Construction Supply; at
-Aurea M. Palisoc, sole proprietess ng Bunan Manpower Service
Kasamang inireklamo ang mga opisyal ng mga korporasyon
Pinakamalaki sa hinahabol na buwis ng BIR ay sa
A.R Reynoso Arch Inter-Design Corporation mula sa Batasan Hills,QC na umaabot sa 263.73 million pesos.
Tuluyan nang kinasuhan ng BIR ang mga respondents dahil sa kabiguang bayaran ang tax liabilities sa kabila ng paulit-ulit na abiso ng kawanihan.
Ulat ni Moira Encina