Malakanyang, hindi na kailangang utusan ang DOJ at PNP na sampahan ng kaso ang sinasabing Person of Interest sa Bikoy video laban kay Pangulong Duterte

Malakanyang, hindi na kailangang utusan ang DOJ at PNP na sampahan ng kaso ang sinasabing Person of Interest sa Bikoy video laban kay Pangulong Duterte

Niliwanag ng Malakanyang na hindi na kailangan na utusan pa ni Pangulong Duterte ang Department of Justice at Philippine National Police na sampahan ng kaso ang person of interest na tinututukan ng National Bureau of Investigation na umanoy nasa likod ng Bikoy video laban sa Pangulo at sa kanyang pamilya.

Sa briefing sa Malakanyang sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na sa sandaling magpositibo ang person of interes ng NBI sa involvement nito sa Bikoy video tungkulin ng pulisya na magsampa ng kaso.

Ginawa ni Panelo ang pahayag matapos lumabas ang report na mayroon ng person of interes ang NBI na sangkot sa Bikoy video.

Kaugnay nito kumambiyo naman si Panelo na galing kay Pangulong Duterte ang oust Duterte matrix na kanyang inilabas na naglalaman ng mga pangalan ng mga media personalities grupo ng mga abogado ilang mambabatas at ang nagpakilalang Bikoy.

Ayon kay Panelo hindi kay Pangulong Duterte galing ang oust Duterte matrix kung sa isang hindi kilalang source.

Niliwanag ni Panelo na hanggat hindi isinasakatuparan ang oust Duterte plot ng mga personalidad na nasa matrix hindi makapagsasampa ng kaukulang kaso ang gobyerno.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *