1,800 mula sa 8,155 examinees, nakapasa sa 2018 Bar Exam

Inilabas na ng Korte Suprema ang resulta ng 2018 Bar examinations.

Ayon kay Supreme Court Associate Justice at 2018 Bar chairperson Mariano del Castillo, kabuuang 1,800 ang pumasa sa pagsusulit.

Katumbas ito ng 22.07 percent na passing rate mula sa 8,155 na kumuha ng Bar exams.

Mas mababa ito sa passing rate noong 2017 Bar exams na  25.5%.

Inanunsyo rin ni Del Castillo ang top 10  na matatagumpay na Bar examinees.

Nanguna sa 2018 Bar exams si Sean James Borja mula sa Ateneo de Manila University  na nakakuha ng gradong 89.306%

Pumangalawa naman si Marcley Augutus Natu-El mula sa University of San Carlos na may gradong 87.53%.

Top 3  naman mula rin sa University of San Carlos si Mark Lawrence Badayos na nakakuha ng 85.84%.

Pang-apat si Daniel John Fordan mula sa Ateneo de Manila University na 85.44% ang grado.

Top 5 naman si Katrina Monica Gaw mula sa Ateneo de Manila University na may gradong 85.42%.

Sinundan siya ni Nadaine Tongco mula sa University of the Philippines na 85.03 % ang nakuhang grado.

Pang-7 si Patricia Sevilla mula rin sa UP na nakakuha ng 84.89%.

Pang-8 si Kathrine Ting, Dela Salle University na may gradong 84.85%.

Top 9 si Jebb Lynus Cane ng University of San Carlos na may gradong 84.80.

At sa ika-10 puwesto si Alen Joel Pita mula sa University of Sanna may gradong 84.69%.

Sinabi ni Del Castillo na isasagawa ang oath taking ng mga bagong abogado sa June 13 sa PICC.

Makikita sa website ng Korte Suprema na sc.judiciary.gov.ph ang listahan ng mga pumasa.

Ulat ni Moira Encina

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *