Mga pag-ulan hindi pa rin sapat para madagdagan ang water level sa Angat dam…. La Mesa dam bahagya namang nadagdagan
Sa kabila ng naranasang malakas na buhos ng ulan kagabi, nabawasan pa rin ang antas ng tubig sa Angat dam sa Bulacan.
Sa update mula sa Pag-asa Hydro-Meteorological Division, alas 6:00 ng umaga ngayong araw , nasa 174.78 meters ang water level ng Angat.
Magkagayunman, bahagyang tumaas ng 10 centimeters ang lebel ng tubig sa La Mesa dam dahil sa mga pag-ulan sa Quezon City at ngayon ay nasa 68.55 ang lebel nito.
Nabawasan naman ang water level sa Ipo, Ambuklao, Binga, at San Roque dams dahil hindi nakaranas ng mga pag-ulan sa mga watershed nito.
Habang pawang nadagdagan naman ang water level sa Pantabangan, Magat at Caliraya dams.
Pero ayon kay Orendain, kahit bahagyang tumaas ang lebel ng tubig sa la mesa dam, hindi pa rin ito pwedeng magamit dahil ang intake elevation nito ay nasa 69 meters lamang.
Inaasahan din na magiging unti-unti na lang ang pagbaba ng angat dam kung magtutuluy-tuloy na ang pag-ulan.
“At least kahit papaano may mga pag-ulan na within the water shed. Hindi man nya mapantayan yung average outflow kumpara sa inflow pero at least nababawasan yung average outflow natin na 50 centimeters. Ibig sabihin nyan paunti-unti na ang pagbaba ng Angat dam kung patuloy ang mga pag-ulan sa water shed”. – Richard Orendain, Pag-Asa Hydrologist