Pangulong Duterte, nakiusap sa mga kandidato na ibigay ang kalayaan sa mga bontante na makaboto ng maayos sa darating na eleksyon
Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng mga kandidatong tumatakbo ngayong eleksyon na bigyan ng kalayaan ang mga botante na makaboto ng maayos sa darating na halalan sa Lunes.
Ayon sa Pangulo dapat ibigay ng mga tumatakbong kandidato ang karapatan ng mga botante na pumili ng mga gusto nitong ihalal bilang bahagi ng demokrasya.
Iginiit ng Pangulo na kailangan sundin ang batas sa halalan upang maiwasan ang anumang problema.
Nangako si Pangulong Duterte na hindi niya hahayaan ang maduming elekisyon sa ilalim ng kanyang pamumuno.
Ulat ni Vic Somintac
Please follow and like us: