Kampo ni Bingbong Crisologo, iginiit na hindi sila inaresto kundi pinosasan at dinampot lang
Iginiit ng kampo ni Mayoralty candidate Bingbong Crisologo na hindi nila pwedeng paratangan ng vote buying ang tumatakbong mambabatas dahil wala namang ebidensya.
Ayon sa abugado ni Bingbong na si Atty. Edrix Crisologo, bago masabing vote buying ay dapat may sinabihan kang mga tao kung sino ang mga ibobotong kandidato kalakip ang bayad na pera.
Si Atty. Edrix ay kasama sa mga inaresto kagabi.
Paliwanag ni Edrix, watchers kit ang hawak ng kanilang mga tao na ang laman ay appointment letter ng PDP-Laban, Certificate of votes at ID na gagamitin sa eleksyon.
Para maging isang watcher ay appointed dapat ng PDP-Laban.
Nilinaw din ni Edrix na hindi sila inaresto kundi pinosasan at dinampot lamang.
Hanggang ngayon ay wala pa ring malinaw na kasong isasampa laban sa kanila.
“Hindi po kami inaresto, pinosasan lang po kami, dinampot lang kami because when you are arrested, you are red your rights., you are informed what you are being arrested of and I can attest that everyone here who is accused of alleged vote buying, they were never red their Miranda rights”. – Atty. Edrix Crisologo