Lebel ng tubig sa Angat Dam, patuloy ang pagbaba
Bumaba ng 23 centimeters ang lebel ng tubig sa Angat dam ngayong araw dahil walang gaanong mga pag-ulan.
Ayon kay Pag-Asa Hydrologist Richard Orendain, kaninang alas-6:00 ng umaga nasa 174.40 ang water elevation ng Angat.
Patuloy ding bumababa ang water elevation sa Ambuklao, Binga at San Roque dam dahil wala ring mga pag-ulan sa kanilang mga watershed.
Nasa 740.33 ang lebel ng tubig sa Ambuklao dam, habang nasa 569.18 meters ang Binga at ang San Roque naman ay nasa 243.20 meters ang lebel ng tubig.
Samantala, bahagya namang tumaas ng 0.3 centimeters ang lebel ng tubig sa Pantabangan dam na nasa 194.99 meters habang tuluy-tuloy naman ang pagtaas ng Magat dam na nasa 179.37 meters ngayong araw.
Umaasa rin si Orendain na hindi na mangyayari ulit ang kawalan ng suplay ng tubig dahil malapit-lapit na ang panahon ng tag-ulan.
“Ang problema lang natin ay sa Domestic use dahil kaunti pa lang ang mga pag-ulan sa watershed ng Angat dam kaya patuloy na bumababa ito. Halos tumaas lamang ng 23 centimeters ang dam sa dalawang araw na may mga pag-ulan. Inaasahan natin at the end of May or June 15 ay mag-onset na ang rainys eason para hindi na tayo mangamba”.– Richard Orendain, Pag-Asa Hydro-Meterology Division