5 Kumpanya at 2 negosyante, sinampahan ng Tax evasion case sa DOJ
Ipinagharap ng reklamong Tax Evasion sa DOJ ng BIR ang pitong korporasyon at mga negosyante mula sa mga lungsod ng Makati, Taguig at Parañaque dahil sa hindi pagbabayad ng buwis na umabot sa 152.75 milyong piso.
Una sa kinasuhan ang Underground Logic,Inc. dahil sa utang sa buwis noong 2014 at 2015 na 55.95 million pesos.
Sinampahan din ng reklamo ang GH Resources and Training Services, Inc. dahil sa 24.54 million pesos na tax liability.
Hinahabol din ng BIR ang Lucky Fort Food Ventures, Inc.dahil sa 11.54 million pesos na bigong bayarang buwis noong 2008 at RTM Royal Waste Management dahil sa 7.86 million pesos na utang sa buwis noong 2014.
Sinampahan din ng BIR ng tax evasion complaint ang mga negosyanteng sina Josephine Mae Pecson Ignacio at William Go Miranda dahil sa 18.81million pesos at 35.05 million pesos na tax deficiencies.
Ulat ni Moira Encina