Senator Francis Pangilinan nagbitiw bilang presidente ng Liberal Party.
Nagbitiw na si Senador Francis Pangilinan bilang presidente ng Liberal Party. Itoy bilang pag ako sa responsibilidad sa pagkatalo ng mga kandidato ng oposisyon sa katatapos na may 2013 midteem elections. Wala ni isa sa mga kandidato ng ocho direcho ang pumasok sa magic 12 kahit pa ang re electionists na si senador Bam Aquino Sa official tally ng National Board of Canvassers si Aquino ay nasa ika pang labing apat na pwesto na nakakuha ng mahigit labing apat na milyong boto. Bukod kay Aquino isinabak ng LP sa senatorial elections sina dating Senador Mar Roxas, Erin Tañada, Atty Romulo Macalintal, Chel Diokno, Pilo Hilbay, Samira Gutoc at Magdalo Representative Gary Alejano. |
Ulat ni Meanne Corvera
Please follow and like us: