12 Senador , naiproklama na
Naiproklama na ng Commission on Elections o Comelec bilang national board of canvassers ang labindalawang nanalong senador.
Tumagal ng siyam na araw bago naisagawa ang proklamasyon sa PICC sa Pasay City dahil hinintay pa ang huling COC.
Ang mga nanalong senador ay kinabibilangan ng limang re electionists, apat na baguhang senador at tatlong iba pa na dati nang nagsilbi sa senado.
Magsisilbi sila sa loob ng anim na taon na magsisimula sa June 30, 2019 at tatagal sa 2025.
Mayorya sa labindalawang senator elect ay kilalang kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo sa ilalim ng hugpong ng pagbabago at PDP Laban.
Ang mga nanalong senador ay isa isang binigyan ng certificate of proclamation batay sa COMELEC Resolution 002-19 na pirmado ni Comelec Chairman Sherif Abas at anim na commissioners.
Si Senador Cynthia Villar ang naiproklamang number one matapos makakuha ng 25,283,727
Senador Grace Poe – 22,029,788 votes.
Senator elect Christopher Bong – 20,657,702 votes
Senator elect Pia Cayetano – 19,789,019
Senator elect Ronald “Bato” dela Rosa 19,004,225 votes
Senator Sonny Angara – 18,161,862 votes
Senator elect Lito Lapid – 16,965,464 votes
Senator elect Imee Marcos – 15,882,628 votes
Senator elect Francis Tolentino – 15,510,026 votes
Senator Aquilino “Koko” Pimentel – 14,668,665 votes
Senator elect Ramon Bong Revilla – 14,624,445 votes
at Senator Nancy Binay – 14,504,936 votes
Ang resulta ay ibinatay sa isandaan at animnaput pitong mga Certificates of Canvass na nai transmit sa NBOC mula sa ibat ibang mga lalawigan at mga bansa sa buong mundo sa pamamagitan ng absentee voting.
Ulat ni Meanne Corvera