Mga personalidad na idinawit ni alyas Bikoy sa pagkalat ng totoong Narcolist video, maaring maharap sa kasong inciting to sedition.
Masusing pag aaralan at iimbestigahan ng Philippine National Police ang mga impormasyon at personalidad na isiniwalat ni Peter Joemel Advincula alyas bikoy kaugnay na totoong Narcolist video.
Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, mahalaga na malaman kung may katotohanan ang mga sinasabi ni bikoy kasunod ng pagbalikwas nya sa mga nauna nyang pahayag sa kanyang press conference sa Integrated bar of the Philippines.
Kusang loob na sumuko ngayong umaga dito sa kampo crame si alyas Bikoy at sinabing walang katotohanan at scripted ang lahat ng sinasabi nya sa anim na episode ng totoong narcolist video
Humingi rin sya ng tawad sa mga taong idinawit nya sa video partikular na sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte at kay senator elect Bong Go.
Isiniwalat din ni alyas Bikoy ang umanoy mga nasa likod ng video na bahagi umano ng project sodoma na layong pabagsakin si Pangulong Duterte at iupo sa pwesto si VP Leni Robredo at si Senator Antonio Trillanes bilang pangalawang pangulo.
Kasama sa mga idinawit nya ang kandidato ng Liberal Party o ang otso diretso at si Trillanes.
Aabot daw sa 500libong piso ang ipinangakong bayad sa kanya para magsalita sa video pero hindi nya raw ito nakuha.
Idinawit din ni Bikoy si VP Leni Robredo na umanoy dumaan sa isa sa kanilang meeting sa Ateneo de Manila University.
Ayon kay Albayalde, sakaling mapatunayan nila na dawit talaga sa destalibisasyon ang mga personalidad na binaggit ni Bikoy ay maari silang sampahan ng kasong inciting to sedition.
Nakatakdang kunan ng affidavit ng PNP si Bikoy para gawing pormal ang mga akusasyon nito.
Sa ngayon ay sumailalim na sa booking procedure ng PNP Criminal Investigation and Detection Group si alyas Bikoy para sa kinakaharap nyang kasong large illegal recuitment Baguio City Municipal Trial Court.
Kung makakapagpyansa si Bikoy ay agad daw syang palalayain ng PNP, pero kung hihiling sya ng seguridad sa PNP ay nakahanda syang pagbigyan.
Ulat ni Mar Gabriel