Comelec naibigay na ang halos 60 porsyento ng honoraria sa mga gurong nagsilbi sa halalan
Umaabot na sa mahigit 1.5 billion pesos na halaga ng honoraria ang naibigay na ng Comelec sa mga gurong nagsilbi sa May 13 elections.
Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, katumbas ito ng 59.2 percent ng kabuuang 2.6 billion pesos na pondo para ipambayad sa mga gurong naupo bilang electoral board.
Tiniyak ni Jimenez na nasusunod ang schedule na inilatag ng Comelec sa pagbabayad ng honoraria.
Ang honoraria ay mula 3,000 piso hanggang 6,000 piso depende sa posisyon na hinawakan ng mga guro sa katatapos na eleksyon.
Ulat ni Moira Encina
Please follow and like us: