Malakanyang sinagot ang mga puna ng mga kritiko na hindi si Pangulong Duterte ang nag-abot ng mga diploma sa PMA graduation
Kulang sa tulog si Pangulong Rodrigo Duterte noong Linggo araw ng graduation ng Philippine Military Academy o PMA sa Fort del Pilar Baguio City.
Ito ang dahilan na sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kaya hindi si Pangulong Duterte ang mag-abot ng diploma sa graduation rite PMA Mabalasik class of 2019.
Paliwanag ni Panelo puyat ang Pangulo dahil sa pagbabasa ng mga report mula sa iba’t ibang departametno, at pagpirma rin sa mga dokumento.
Ayon kay Panelo night person o mas gising sa gabi si Pangulong Duterte kaya naman dalawang oras lang ang kanyang tulog noong gumising siya dakong 8:30 ng umaga para sa PMA graduation.
Ayon kay Panelo inaantok umano si Panguling Duterte sa programa kaya inatasan niya si Defense Secretary Delfin Lorenzana na mamahagi ng diploma.
Inihayag ni Panelo nireserve nalang daw ni Pangulong Duterte ang kanyang lakas para sa iba pang bahagi ng programa.
Idinagdag ni Panelo mas sumigla na ang pangulo noong nagbibigay na siya ng talumpati dahil nakapagbibiro na siya sa publiko.
Sa mga nagsasabing may karamdaman ang Pangulo tiniyak ng Malakanyang na nasa magandang kundisyon ang Chief Executive.
Katunayan nakatakdang umalis papuntang Japan ngayong linggo ang Pangulo para dumalo sa 25th Nikkei Conference.
Ulat ni Vic Somintac