SALN ng mga Senador inilabas na… Senador Antonio Trillanes nananatiling pinakamahirap na Senador
Nananatiling pinakamayamang Senador sina Senators Cynthia Villar at Manny Pacquiao.
Batay ito sa inilabas na Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) ng mga Senador para sa taong 2018.
Batay sa kanilang isinumiteng SALN, nananatiling pinakamayang Senador si Senator Cynthia Villar na may kabuuang networth na 3.719 billion at walang anumang pagkakautang.
Tumaas pa ito ng 108.7 million mula sa kaniyang assets noong 2017 na umabot sa 3.61 billion.
Ngayong 2019, ang kaniyang asawa na si dating Senador Manny Villar ang idineklarang pinakamayaman sa Pilipinas na may assets na 5.5 billion dollars.
Sinundan ito ni Senador Emmanuel Pacquaio na may kabuuang assets na 3.151 billion pero may mahigit 146 milllion na liabilities.
Sina Senador Antonio Trillanes at Leila de Lima ang itinuturing na pinakamahirap na Senador na miyembro ng 17th congress.
Si Trillanes ay nakapagtala ng kabuuang assets na 15, 909, 800 pero may pagkakautang ito na umaabot sa 8, 376,787 kya ang kabuuang networth nito ay. naitala na lamang sa 7.5 million.
Si De Lima ay 9, 278,739 pero may liabilities ito na aabot sa 1,572,000 kaya umabot sa 7, 706,000 ang kaniyang networth.
Nasa number 3 si Senador Ralph Recto na may 645, 147, 569 pero may liabilities na 89, 823,000 kaya ang kaniyang kabuuang assets ay 555, 324, 479.
Sa mga Senador, tanging sina De Lima, Hontiveros at Binay ang bumaba ang kanilang assets.
Ang assets ni De Lima ay bumaba ng 238, 581 habang umabot naman sa 569, 489 ang ibinaba ng kay Hontiveros at 480, 224 ang kay Binay.
Wala namang naitalang liabilities o pagkakautang sina Senators Honasan, Pimentel at Gatchalian.
Ulat ni Meanne Corvera