Mga pagbibiro ni Pangulong Duterte, hindi dapat seryosohin – Malakanyang
Muling umapela ang Malakanyang sa mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi dapat seryosohin ang kanyang pagbibiro sa mga public engagement.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na pagkatao ng Pangulo ang magbiro sa kanyang mga talumpati kahit noong siya ay Mayor pa lamang ng Davao City.
Ginawa ng Malakanyang ang pahayag dahil muling binabatikos ng kanyang mga kritiko ang Pangulo sa kanyang rape joke sa Philippine Military Academy o PMA graduation ceremony sa Baguio City.
Ayon kay Panelo kapag nagbibitaw ng mga biro ang Pangulo nais lamang nito na kunin ang atensiyon ng kanyang mga audience.
Ulat ni Vic Somintac