Panukalang mandatory ROTC sa High-school students paglabag sa Rights of the Child -ayon sa isang Senador
Tutol si Senador Risa Hontiveros sa isinusulong na ibalik ang Mandatory Reserved Officers Training Corps o ROTC sa mga Junior at Senior High-school.
Paalala ni Hontiveros ang mandatory ROTC ay paglabag sa optional protocol ng United Nations Convention on the Rights of the Child kung saan signatory ang Pilipinas.
Iginiit ni Hontiveos na ang mga Grades 11 at 12 ay mga menor de edad at nakasaad sa protocol na ang mga kabataang wala pang 18 years old ay hindi maaring ma-recruit sa Armed Forces o military training.
Nangangamba rin si Hontiveros kung kaya itong i-sustain ng gobyerno sa may 11,000 ng mga High-schools sa buong bansa lalu’t kwestyonable pa ang implementasyon ng K to 12 program.
Bagamat dapat aniyang kilalanin ang Military education o training para sa National Defense preparedness sa mga kabataan kailangan pa rin itong gawing optional at hindi mandatory.
Ulat ni Meanne Corvera