Aplikante para sa susunod na mababakanteng puwesto sa Korte Suprema, nasa 22 na
Umaabot na sa 22 ang aplikante para sa susunod na mababakanteng puwesto sa Korte Suprema.
Ito ay batay sa paunang listahan ng aplikasyon na natanggap ng Judicial and Bar Council para sa posisyon ni Associate Justice Mariano del Castillo na magreretiro sa July 29.
Karamihan sa mga naghain ng aplikasyon ay mga mahistrado ng Court of Appeals at Sandiganbayan.
Kabilang sa mga bagong pangalan na nagnanais na makapasok sa Supreme Court ay sina CA Justices Rodil Zalameda, Elihu Ybanez, Maria Filomena Singh at Pablito Perez.
Muli nagsumite ng aplikasyon sina CA Justices
Oscar Badelles, Ramon Bato Jr., Apolinario Bruselas Jr., Ramon Cruz,
Stephen Cruz, Edgardo de los Santos, Japar Dimaampao, Ramon Garcia,
Jhosep Lopez, Mario Lopez, Eduardo Peralta Jr. at Ricardo Rosario.
Gayundin
sina Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje Tang at Associate
Justice Efren de la Cruz at Court Administrator Midas Marquez.
Ang iba pang aplikante sa posisyon ay sina
dating Ateneo law dean Cesar Villanueva, BIR deputy commissioner Lanee Cui – David at law professor Jeremy Gatdula.
Ulat ni Moira Encina