Mandatory ROTC bill hindi na maihahabol ng senado
Malabo nang maihabol pa ng senado ang pagpapatibay sa panukalang ibalik ang mandatory ROTC sa mga junior at high school students sa mga pribado at pampublikong eskwelahan sa buong bansa. Ayon kay Senate Majority leader Juan Miguel Zubiri, gahol na sila sa panahon dahil ngayong araw na lamang ang sesyon ng 17th congress. Kahit na certify na itong urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte, dalawa pa aniya sa mga senador ang nais na mag interpelate na inaasahang kakain pa ng mahabang oras. Bagamat mahalaga aniyang maipasa ang panukala, inuna nilang talakayin ang sin tax bill dahil sa malaking tulong nito sa mga filipino dahil sa implementasyon ng Universal Health Care law. Sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian, isa sa mga prinicipal author ng panukala na nanghihinayang siya na hindi ito naihabol sa pagsasara ng kongreso. Gayunnman, plano nyang ihain muli ang panukala sa pagbubukas ng 18th congress sa Hulyo. |
Ulat ni Meanne Corvera
Please follow and like us: